^

Bansa

Ruta ng PUVs na isinara sa Metro Manila, bubuksan na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ruta ng PUVs na isinara sa Metro Manila, bubuksan na
Motorists endure heavy traffic along the westbound lane of Commonwealth Avenue in Quezon City on Thursday, July 28, 2022.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Bubuksan na ang mga ruta ng mga Public Uti­lity Vehicles (PUVs) sa Metro Manila na isinara sa kasagsagan ng COVID 19 pandemic bago magtapos ang 2022.

Ito ang inihayag ni 2nd District Valenzuela City Rep. Eric Martinez sa deliberasyon ng P167.1 bilyong  2023 badyet ng Department of Transportation (DOTr).

Si Martinez ang sponsor ng panukalang pondo ng DOTr para sa susunod na taon.

Matatandaang sa kasagsagan ng COVID pandemic noong Marso 2020 ay maraming ruta ng PUV ang nagsara na layong maiwasan ang pagkalat ng virus.

Ngayon nagluluwag na ng restriksiyon at nagsimula na rin ang face-to-face classes ay unti-unti na ring binuksan ang mga ruta sa NCR.

Ayon kay Martinez, ang timeline at pangako ng LTFRB ay ang mabuksan ang lahat ng pre-pandemic routes bago magtapos ang taong ito.

Sa gitna ng pagkaantala sa pagpapatupad ng PUV modernization program, tiniyak ni Martinez sa mga operator na aayusin ang timeline nito.

“The timeline will be extended. Tuloy pa rin silang makaka-biyahe. Walang huhulihin… Modernization will push through. But given the delays, it will not be a burden to our jeepney ­drivers and other stakeholders to bear the brust of such. Makakatuloy silang makabiyahe at walang huhulihin,” ani Martinez.

PUVS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with