^

Bansa

P15.2 bilyong budget ng DMW, aprub; Ople nagpasalamat sa House

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P15.2 bilyong budget ng DMW, aprub; Ople nagpasalamat sa House
Si Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez ang nanguna sa pagtatanggol sa panukalang pondo na P3.5 bilyon para sa Office of the Secretary at iba’t ibang units at bureaus sa ilalim nito. Tatanggap naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), isang attached-agency ng DMW, ng pondong aabot sa P11.7 bilyon.
STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Nagpasalamat si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople sa House of Representatives sa pagpasa nitong Martes sa panukalang P15.2-bilyong budget ng kagawaran.

Si Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez ang nanguna sa pagtatanggol sa panukalang pondo na P3.5 bilyon para sa Office of the Secretary at iba’t ibang units at bureaus sa ilalim nito. Tatanggap naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), isang attached-agency ng DMW, ng pondong aabot sa P11.7 bilyon.

Sinabi ni Suarez na karapat-dapat umano na magkaroon ng isang departamento na tututok sa kapakanan ng mga OFWs na itinuturing na makabagong bayani ng bansa dahil sa mga remittances nila na bumubuhay sa ekonomiya ng Pilipinas.

Habang nasa New York, USA bilang bahagi ng delegasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni Ople na ang pagkakapasa ng kanilang budget ang magiging susi para maging isang ganap na departamento ng DMW.

Sa pamamagitan ng naturang pondo, makapagbibigay na sila ng epektibong serbisyo sa mga OFW at matitiyak ang pagpapatupad ng mga regulasyon ­maging ang pagpapalakas sa kapasidad ng mga Pilipinong nangingibang-bansa.

Magiging kaganapan din umano ang pagpapalawak ng kanilang serbisyo kabilang ang ‘e-governance’ at ‘digitization’ ng kagawaran habang posible na rin ang makipag-partner sa iba’t ibang stakeholders.

DMW

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with