^

Bansa

‘Contempt of court’ sa nagbabanta sa mga huwes – SC  

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
âContempt of courtâ sa nagbabanta sa mga huwes â SC  
Sa pahayag na inilabas ng SC Public Information Office, tinalakay ng court en banc ang mga posibleng aksyon sa mga pahayag na inilabas ni dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy sa kaniyang social media page ukol sa umano’y pagbabanta kay Manila Regional Trial Court Judge Marlo A. Magdoza-Malagar.
BusinessWorld / File

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Supreme Court na kakasuhan nila ng ‘contempt of court’ ang mga nagbabanta ng karahasan laban sa mga huwes sa bansa.

Sa pahayag na inilabas ng SC Public Information Office, tinalakay ng court en banc ang mga posibleng aksyon sa mga pahayag na inilabas ni dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy sa kaniyang social media page ukol sa umano’y pagbabanta kay Manila Regional Trial Court Judge Marlo A. Magdoza-Malagar.

Parte ng Facebook post ni Badoy ay: “If I kill this judge and I do so out of my political belief that all allies of the CPP-NPA-NDF must be killed because there is no difference in my mind between a member of the CPP-NPA-NDF and their friends, then please be lenient with me.”

Itinanggi naman ito ni Badoy at nabura na ang naturang post ngunit nagawa ng mga netizen na ma-screenshot at screen record ito bago mabura.

“Those who continue to incite violence through social media and other means which endanger the lives of judges and their families...that this shall likewise be consi­dered a contempt of this court and will be dealt with accordingly,” pahayag ng SC en banc.

Kinondena rin ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pahayag ni Badoy habang 187 abogado na ang pumirma para sa hiwalay na pagkondena na ang pahayag ni Badoy ay direktang pag-atake sa hudikatura at mga opisyal nito at layong paliitin ang tiwala ng publiko sa sistema ng hustisya sa bansa at i-harass ang mga naatasang magsulong ng ‘rule of law’.

Nais din ng mga abo­gado na maging ‘accountable’ si Badoy at ang sinumang susunod sa kaniyang aksyon at nagbabala na may katumbas na kahihinatnan ang anumang paglabag sa batas.

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with