^

Bansa

Free college entrance exam bill aprub na sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Free college entrance exam bill aprub na sa Kamara
Sa nakuhang 252 boto ay agad na pinagtibay ng Kamara kamakalawa ng  gabi ang House Bill No. 5001 na naglalayong i-waive na ang entrance examination fees sa mga kuwalipikadong estudyante.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Pinagtibay na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang panukalang batas para sa free college entrance exam bill.

Sa nakuhang 252 boto ay agad na pinagtibay ng Kamara kamakalawa ng  gabi ang House Bill No. 5001 na naglalayong i-waive na ang entrance examination fees sa mga kuwalipikadong estudyante.

Ang HB 5001 ay isa sa dalawang national laws na ipinasa ng Kamara habang patuloy ang deliberasyon sa P5.268 trilyong national budget marathon session na halinhinang pinamunuan nina Deputy Speakers Aurelio “Dong” Gonzales Jr. at Ralph Recto.

Kabilang pa sa naaprubahang national bill ay ang Ease of Paying Taxes Act na lubhang kailangan ng mga Pilipino.

Binigyang diin ni Speaker Martin Romualdez na ang panukalang HB 5001 Free College Entrance Examinations Act ay iniakda ng 31 mambabatas na magbibigay benepisyo sa libong mahihirap pero matatalinong mga estudyante.

RALPH RECTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with