^

Bansa

DAR, DENR, DOT chiefs lusot na sa CA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
DAR, DENR, DOT chiefs lusot na sa CA
Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella II.
DAR Facebook

MANILA, Philippines — Nakalusot na sa makapangyarihang Commission on Appointment (CA) ang ad interim appointment nina Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, Environment Secretary Ma. Antonia Yulo Loyzaga at Tourism Secretary Ma. Esperanza Christina Frasco.

Si Senator JV Ejercito ang nagrekomenda para sa CA plenary approval sa appointment ni Estrella na sinegundahan naman ni Pangasinan Rep. Ramon Guico Jr.

Bago makalusot, nagpahayag si Estrella na hindi siya tutol sa anumang land conversions basta’t ang lupa ay hindi irrigated land.

Samantala nausisa naman si Loyzaga sa kanyang posisyon patungkol sa small-scale mining, open-pit mining, isyu ng Masungi Georeserve at ang usapin sa kanyang mga inheritance o mana.

Mas nasentro ang pagdinig sa ad interim appointment ni Loyzaga nang ungkatin ni SAGIP Rep. Rodante Marcoleta ang 34 entities na pag-aari ng Kalihim bago ito naitalaga sa DENR.

Iginiit ni Marcoleta na kailangang i-divest o ilipat ang mga negosyo at kung ano pang pinansyal, personal at kumpanyang pag-aari ni Loyzaga nang sa gayon ay malinis at hindi mapag-isipan ng publiko lalo’t mahalaga ang posisyon na ibinigay sa kanya ng Pangulo.

Subalit agad kinontra ni Sen. Cynthia Villar si Marcoleta at sinabing hindi maililipat ang mga pag-aari at negosyo na nakuha mula sa mana.

Sinuportahan din nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senator Loren Legarda ang integridad ni Loyzaga na ito ay mula sa angkan ng mga pinakamayayaman sa bansa noong 1950s at 1960s.

Mabilis namang nakalusot sa CA panel si Frasco na inendorso para sa plenary approval ni CA Majority Leader Rep. Luis Raymund Villafuerte. Si Frasco ay dating alkalde ng Liloan, Cebu at naging tagapagsalita noong halalan ni Vice President Sara Duterte.

Samantala, nakalusot na rin ang ad interim appointment ng may 63 military officers.

CA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with