^

Bansa

'Scammer' nilimas P76-K donasyon para sa nabundol na Parañaque street sweeper

Philstar.com
'Scammer' nilimas P76-K donasyon para sa nabundol na Parañaque street sweeper
Litrato ng 63-anyos na si Doreen Bacus, isang street sweeper, nang mahagip at takbuhan ng isang SUV sa BF Homes, Lungsod ng Parañaque
Video grab mula kay James Deakin at mula sa Facebook account ni Jade Bacus

MANILA, Philippines — Tinanganay ng isang diumano'y scammer ang nasa P76,000 halaga ng nalikom na donasyon para sa pagpapagamot ng 63-anyos na street sweeper na na-hit-and-run sa Lungsod ng Parañaque.

Ika-24 ng Setyembre nang masagasaan at magulungan ng isang sports utility vehicle (SUV) ang biktimang si Doreen Bacus habang nagwawalis sa Barangay BF Homes, bagay na nag-viral online.

Kaugnay nito, nagtulong-tulong ang maraming tao — kabilang na ang aktres na si Nadine Lustre at broadcast journalist na si Karen Davila — para makalikom ng pera na pampagamot kay Bacus.

"Lahat ng donasyon sa GCash po is na-scam po," wika ng anak ng biktima na si Jade sa panayam ng GMA News, Martes.

"Napakabilis po kasi ng pangyayari. Ang galing po magsalita nung babae. Sabi niya po tutulong po siya, taga-charity daw po siya. Tsaka napanood daw niya po yung video ni mama kaya gusto daw nilang makatulong."

Linggo lang nang sabihin ni Jade na nag-zero bigla ang balanse niya sa GCash matapos ang pangyayari, dahilan para humingi na siya ng tulong.

 

 

 

Naisuplong naman na raw nila ang insidente sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang insidente.

Matatandaang naaresto na ang nagmamaneho ng naturang SUV na si Raymond Sapirain, na siyang sasampahan ng reklamong reckless imprudence resulting in serious physical injury. Tumatanggi pa rin ang nabanggit na magsalita sa media.

"'Yung sa ulo niya po is bumuka po kasi yung sa ulo niya kaya tinahi po doon," dagdag pa ni Jade.

"Tsaka yung sa tenga niya is natanggal po kaya ngayon po ngayon yung schedule niya para sa tenga niya para masarado at lalagyan ng artificial na tenga."

Kasalukuyan pa ring nagpapagaling ang kanyang ina.

Nakakausap pa naman daw ng kampo ng mga Bacus ang driver ng SUV, habang lagi namang pumupunta ang pinsan ng suspek sa ospital para kamustahin ang lagay ng biktima.

Para sa mga nais tumulong maaaring magpadala sa bank account ni Jade o sa GCash ng kanyang kapatid. — James Relativo

GCASH

HIT AND RUN

PARANAQUE

SCAM

THEFT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with