^

Bansa

Marcos, nag-aerial inspection sa pinsala ng super bagyo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Marcos, nag-aerial inspection sa pinsala ng super bagyo
Nakipagpulong muna si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya sa NDRRMC headquarters bago nagsagawa ng aerial inspection kahapon sa Bulacan, Nueva Ecija at Tarlac na lubhang sinalanta ng super bagyong Karding.
KJ Rosales/PPA

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga lugar na naapektuhan ng super typhoon Karding pagkatapos pangunahan ang isang situation briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) headquarters sa Quezon City kasama ang mga matataas na opisyal ng gobyerno.

Kabilang sa mga lugar na tiningnan ng Pangulo ang Bulacan, Nueva Ecija at Tarlac.

Sa kanyang account sa social media ay ibinahagi ni Marcos ang isang maikling video clip ng kanyang sarili sa loob ng chopper habang nagsasagawa ng aerial inspection.

Ipinaliwanag naman ni Marcos na hindi na siya bababa sa mga lugar na sinalanta ng bagyo upang hindi makaabala sa gawain ng mga local government units.

“I will not land in any place because from my experience pagka nasa local government ka lalo na just after the typhoon, marami silang trabaho. ‘Pag bumaba ako, kailangan nila akong i-welcome, kailangan ‘yung pulis sa akin, kailangan kukunin ko ‘yung mga sasakyan nila. Eh ang dami nilang kailangang gawin so makakaistorbo lang ako,” paliwanag ni Marcos.

Sinabi ni Marcos na parehong inuuna ng pambansa at lokal na pamahalaan ang pag-airlift ng mga food materials, food packs, at tubig sa Polillo Islands ng Quezon province, na naapektuhan ng mata ng bagyo na may malakas na hangin at ulan.

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with