^

Bansa

6 bagong Omicron subvariants, nakakaiwas sa bakuna - WHO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
6 bagong Omicron subvariants, nakakaiwas sa bakuna - WHO
A long queue of commuters wait for rides along Ortigas Extension in Cainta and Taytay, Rizal on Sept. 14, 2022.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Sinusuri ngayon ng mga eksperto ng World Health Organization (WHO) ang anim na bagong COVID-19 Omicron subvariants na maaaring mas nakakahawa pa at puwede ring makaiwas sa mga kasalukuyang bakuna.

Itinala ng WHO ang mga subvariants na ang BA.5.1, BA.5.2, BA.2.75, BQ.1, BJ.1, at BA.4.6.

Sinabi ni Dr. Rontgene Solante sa isang public briefing na bagaman mababa ang bilang nito sa Pilipinas, kailangan ng masusing pagsubaybay sa mga ito dahil sa mataas na mutasyon na maaaring magdulot ng matin­ding hawahan at sinasabing posibleng nakaiiwas sa mga bakuna at antibodies na nakukuha sa bakuna.

Mas mataas umano ang mga senyales para sa transmisyon ng mga ito kumpara sa kasalukuyang mga ‘lineages’ at nakitaan ng mas maraming pagbabago ng ‘amino acid’ na pinaghihinalaang dahilan ng pagbabago nito kumpara sa ibang variants.

“Again, merong indikasyon na puwedeng maiwasan ang mga antibodies na nakuha natin sa bakuna at mas lalo tayong magkakaroon ng infection,” saad ni Solante.

Sa kasalukuyan, natukoy na sa Pilipinas ang mga Omicron subvariants na BA.5, BA.4, BA.2.12.1, at BA.2.75.

Isinusulong ni Solante ang paglikha ng ‘booster vaccine’ na mas epektibo laban sa mas nakahahawang Omicron variant.

OMICRON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with