^

Bansa

Mga dam sa bansa, ‘di napinsala

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang napinsalang dam sa paghagupit ng super typhoon Karding sa Luzon.

Ayon kay National Irrigation Administration (NIA) Administrator Benny Antiporda, batay sa kanilang monitoring ay walang naapektuhang mga dam na nasa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Gayunman, sinabi ni Antiporda na sa ngayon ay mahigpit na binabantayan ang Pantabangan at Magat Dam dulot ng bagyo.

Anya, tanging ang Bulo Dam na matatagpuan sa Brgy. Malibay San Miguel, Bulacan ang nagkaroon ng pag-apaw pero hindi naman ito nagdulot ng matinding pagbaha sa lugar. Ang naturang dam anya ay isang open dam na tuluy-tuloy ang agos ng tubig na mula sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Samantala, tiniyak ni Antiporda na patuloy na nakiki­pagtulungan ang NIA sa mga local government units (LGU) sa ibat ibang mga lugar lalo na sa Luzon upang mahigpit na monitor ang kaayusan ng mga dam sa bansa.

vuukle comment

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with