^

Bansa

P1.1 bilyon inilaan sa naapektuhan ng bagyo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naglaan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P1.1 bilyong pondo para sa kanilang  disaster response at ma­bigyan ng tulong ang mga residenteng apektado ng bagyong Karding.

Ayon kay DSWD  spokesperson Romel Lopez, ang ahensya ay nagsasagawa na ng relief efforts sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, National Capital Region (NCR), at Cordillera Administrative Region (CAR) na apektado ng naturang kalamidad.

Anya, may kabuuan namang 224,000 family food packs ang nailatag ng ahensiya sa may 194 evacuation centers na nakakanlong ang may 9,000 individuals.

Umaasa si Lopez  na ang laang pondo ay magiging sapat para makatulong sa mga nanganga­ilangan na nasalanta ni Karding.

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with