^

Bansa

Forced evacuation ikinasa

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Forced evacuation ikinasa
This handout photo shows trees in Jomalig, Quezon felled by strong winds brought by Super Typhoon 'Karding' on September 25, 2022.
Provincial Government of Quezon / Mayor Nelmar Sarmiento

MANILA, Philippines — Sa pagsisimula ng paghagupit ni Super Typhoon Karding, sinabi ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 97 pamilya na ang  sapilitang inilikas mula sa Regions 2 (Cagayan Valley) at Region 3 (Central Luzon).

Kahapon ay nagsagawa ang NDRRMC emergency operations center ng  briefing  kung saan nagbabala ang PAGASA na posibleng maging kasing bagsik si ‘Karding’  nina ‘Ondoy’ noong Setyembre 2009 at “Ulysses” noong Nobyembre 2020.

Gayunman, tiniyak ni Department of National Defense Officer-in-Charge Jose Faustino, Jr., na handa at nakaalerto ang Armed Forces of the Philippines na rumes­ponde sa mga hahagupitin ni Karding partikular sa Polillo Island sa Quezon, Aurora province at ilan pang  lalawigan.

Sinabi ni Faustino na minomonitor na ng NDRRMC ang mga lalawigan upang agad na makapagpadala ng tulong at ayuda sa mga maaapektuhan.

Samantala, inalerto rin ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. ang lahat ng police commanders na makipag ugnayan sa mga LGUs  at government na kanilang nasasakupan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa tatamaan ng super typhoon Karding.

Pinayuhan din nito ang mga pulisya na kumbinsihin ang mga residente na agad na lumikas at magtungo sa mga evacuation areas upang maiwasan ang anumang aksidente.

NDRRMC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with