^

Bansa

Pinas, bibili ng fuel sa Russia

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pinas, bibili ng fuel sa Russia
Ang pagpupursige ni Marcos na magsagawa ng fuel deal sa Russia ay maaaring kondenahin ng mga Western nations lalo na ang matagal ng kaalyado ng Pilipinas, ang Amerika.
STAR / KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Nakikipag-usap na ang Pilipinas sa Russia para bumili ng gasolina at iba pang pangunahing bilihin, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Now maybe we need to approach Russia, say that maybe they can loosen up and provide us with fuel,” ani Marcos sa Bloomberg TV noong Biyernes.

Sinabi rin ng Pa­ngulo na ang Pilipinas ay may mga kasunduan sa Russia na malapit nang ma­isara.

Nang tanungin tungkol sa mga parusa na isinusulong ng US laban sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine, sinabi ng Pangulo na “political side of it has been tricky,” pero dapat aniyang mauna ang pambansang interes.

Anya, kailangang maghanap hindi lamang ng mga bagong pagkukunan ng gasolina kundi maging ng feed, ferti­lizer, at iba pang inputs na kailangan ng bansa.

Kabilang ang ekonomiya ng Pilipinas sa labis na naapektuhan ng sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine, na naging dahilan ng paglobo ng inflation sa loob at labas ng bansa.

Ang pagpupursige ni Marcos na magsagawa ng fuel deal sa Russia ay maaaring kondenahin ng mga Western nations lalo na ang matagal ng kaalyado ng Pilipinas, ang Amerika.

Matatandaan na sinabi ni Russian Ambassador to the Philip­pines Marat Pavlov pag­katapos ng kanyang courtesy call kay Marcos noon na handa ang kanyang bansa na makipagtulungan sa Pilipinas na makahanap ng iba pang mapagkukunan ng gasolina sa harap ng pagtaas ng presyo ng langis.

FUEL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with