^

Bansa

Target ni Marcos sa 6 taong termino: ‘Wala nang magugutom na Pinoy’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Target ni Marcos sa 6 taong termino: âWala nang magugutom na Pinoyâ
Sa panayam ni da­ting Australian Prime Minister Kevin Rudd, sinabi ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na bagaman at mukhang simpleng layunin ang pag-alis ng gutom, na­ngangailangan ito ng malaking pagsisikap sa bahagi ng gobyerno.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pinakalayunin ng economic agenda ng kanyang administrasyon sa susunod na anim na taon ay tiyaking wala ng Pilipino na magugutom.

Sa panayam ni da­ting Australian Prime Minister Kevin Rudd, sinabi ng Pangulo, na bagaman at mukhang simpleng layunin ang pag-alis ng gutom, na­ngangailangan ito ng malaking pagsisikap sa bahagi ng gobyerno.

“Well, to put it very simply, I’ve been asked what is the absolute end result that we are hoping to achieve and it’s very simple for me: not one more hungry Filipino,” ani Marcos na pansamantalang namumuno sa Department of Agriculture.

Ipinunto ni Marcos ang kahalagahan ng kanilang partnership sa pribadong sektor upang maabot ang mga layunin ng administrasyon.

Sinabi rin ni Marcos na ang pagpapabuti ng productivity sa agrikultura at pag-streamline ng burukrasya ay titiyak ng isang mas mahusay na serbisyo ng gobyerno.

Ayon pa kay Marcos, halos nabago ang lahat dahil sa pandemya.

Hindi aniya sapat na habulin lamang ang mga nawala noong pandemya at sa halip ay lampasan pa ang pre-pandemic levels ng ekonomiya.

“We don’t want to just catch up. We want to go beyond that. We have no interest in going back to pre-pandemic levels,” sabi  Marcos.

Sa United Nations General Assembly noong Setyembre 20 humingi ng suporta si Marcos sa mga pinuno ng iba’t ibang bansa sa mundo na mamuhunan sa bansa sa produksyon ng agrikultura at food security na isa sa mga ipinangako niya nang maupong pa­ngulo.

POVERTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with