^

Bansa

Pagtatayo ng classroom ipapaubaya sa LGUs

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagtatayo ng classroom ipapaubaya sa LGUs
Students take shelter during a nationwide earthquake drill, at the Rafael Palma elementary school in Manila on September 8, 2022.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Senador Gatchalian na ibigay na sa mga local government units (LGU) ang responsibilidad ng pagpapatayo ng mga silid-aralan upang matugunan ang kakulangan nito sa buong bansa.

“Naniniwala akong magiging epektibo kung ang kalahati ng pondo ay mapupunta sa DepEd, at sa LGU naman ang kalahati. Kung ibibigay sa LGU ang responsibilidad ng pagpapatayo ng mga silid-aralan, sabay-sabay na maipapatayo ang mga ito,” ani Gatchalian.

Sa isang pagdinig ng Senate Committee on Finance ukol sa panukalang 2023 National Expenditure Program (NEP), binigyang diin ng Chairman ng Senate Committee on Basic Education ang walang katapusang problema sa kakulangan ng mga silid-aralan.

Gamit ang datos mula sa Department of Education (DepEd), iniulat ni Department of Budget and Ma­nagement (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na buhat noong Disyembre 31, 2021 ay wala pang dalawang-daang (191) classrooms ang naipatayo at may tinatayang 15,000 silid-aralan ang patuloy na ipinapatayo mula pa noong 2014. 

Iniulat din ng Kalihim ng DBM na noong nakaraang 2021, ang obligation rate ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagpapatayo ng mga school buildings ay nasa 92 porsyento ngunit nasa 45 porsyento lamang ang disbursement rate. Sa kasalukuyan, ang DPWH ang may mandatong magpatayo ng mga gusali ng paaralan.

Sa ilalim ng 2023 NEP, halos anim (5.9) na bilyong piso ang nakalaan para sa pagpapatayo ng elementary at secondary school buildings, pati na rin ng technical vocational laboratories.

CLASSROOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with