^

Bansa

Marcos sisilipin ang pulitika ng giyera sa droga

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Titingnan ng admi­nistrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pulitika ng giyera sa droga, lalo na ang mga sindikato sa likod nito.

Sinabi ni Marcos sa pagsasalita sa forum ng Asia Society sa Manhattan, New York, na layunin niyang baguhin ang focus ng kampanya kontra narcotics sa bansa.

Aminado si Marcos na ang programa laban sa droga ng bansa ay isang makabuluhang programa at nakikita aniya niya na hindi mapipigilan ang ‘digmaan sa droga.’

Sinabi rin ni Marcos na ang problema ay patuloy na umiiral at susuriin niya upang matuto sa mga aral mula sa karanasan ng nakaraang administrasyon.

“As I come into office, you see, you cannot stop the drug war. The problem continues to exist. What we can do is to exa­mine and learn lessons, from the experience of the past administration,”ani Marcos.

Ayon pa kay Marcos, nasa 4.5 milyon ang aktuwal na adik sa Pilipinas at kailangang harapin ang nakakapinsalang epekto nito sa lipunan, sa kriminalidad, sa mga sindikato ng droga maging ang pamumulitika ng buong sindikato ng droga at ang kanilang mga network.

Idinagdag ni Marcos na dapat i-adjust ang focus at pagtuunan ng pansin ang prevention.

“For the enforcement, look I am not interested in the kid who makes P100 a week selling weed, that is not the person I want you to go after,” ani Marcos.

Nauna ng ipinunto ni Marcos ang kahalagahan ng rehabilitasyon at tingnan kung saan nagmumula ang suplay ng ilegal na droga.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with