^

Bansa

Karding napanatili ang lakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Karding napanatili ang lakas
Si Karding ay huling namataan kahapon ng PAGASA sa layong 1,085 kilometro silangan ng Northern Luzon at patuloy ang pagkilos pakanluran sa bilis na 25 km per hour.
PAGASA

MANILA, Philippines — Napanatili ng bagyong Karding ang kanyang lakas habang lumalapit sa Luzon.

Si Karding ay huling namataan kahapon ng PAGASA sa layong 1,085 kilometro silangan ng Northern Luzon at patuloy ang pagkilos pakanluran sa bilis na 25 km per hour.

Taglay ni Karding ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kph at bugso na umaabot sa 80 kph.

Inaasahang magla-landfall si Karding sa east coast ng Northern Luzon sa Linggo at aabot sa tropical storm category oras na ito ay lumapit sa West Philippine Sea.

Dahil maaapektuhan ni Karding ang habagat, paminsan minsang pag-ulan ang mararanasan simula Linggo sa Southern Luzon at Visayas lalo na sa kanlurang bahagi nito.

Ngayong Sabado ng gabi ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtaman na minsa’y malakas na ulan sa buong Batanes, Cagayan, at Isabela.

Ang nalalabing araw ng Linggo hanggang sa Lunes ng umaga ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa buong  Cordillera Administrative Region, Cagayan, Isabela, Ilocos Provinces at  La Union.

PAGASA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with