^

Bansa

Hawaan ng COVID-19 sa face-to-face classes, itinanggi ng DepEd

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Department of Education na may naganap na hawaan ng COVID-19 nang magsimula ang face-to-face classes sa mga paaralan noong August 22.

Ayon sa DepEd, wala pa naman silang natatanggap na ulat mula sa mga regional offices na nagkaroon ng hawaan ng COVID sa hanay ng mga estudyante simula nang ipatupad ang face-to-face classes.

Sinabi ni Atty. Michael Poa, spokesperson ng DepEd na wala ring major surge ng hawahan ng virus sa mga bata dahil agad naman umanong nagsasagawa ng intervention ang mga local health representatives at Kagawaran.

Gayunman, umapela ang DepEd sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para magkaroon ng depensa laban sa virus.

Anya, huwag ng papasukin sa klase ang kanilang mga anak kung nakakaranas ang mga ito ng mga sintomas ng COVID-19.

COVID-19

DEPED

FACE TO FACE CLASS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with