^

Bansa

Katapusan ng pandemya nakikita na - WHO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Katapusan ng pandemya nakikita na - WHO
Sa obserbasyon ng WHO, sinabi ni chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na naitala ang pinakamalaking pagbagsak ng bilang ng mga bagong kaso nitong nakalipas na linggo mula nang pumutok ang pandemya noong Marso 2020.
AFP / Fabrice Coffrini

MANILA, Philippines — Nakikita na umano ng World Health Organization (WHO) na malapit nang magtapos ang pandemya sa COVID-19 kaya muling nanawagan sa mga bansa sa mundo na samantalahin ang malaking pagbaba ng mga kaso para tulu­yang mawakasan na ito.

Sa obserbasyon ng WHO, sinabi ni chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na naitala ang pinakamalaking pagbagsak ng bilang ng mga bagong kaso nitong nakalipas na linggo mula nang pumutok ang pandemya noong Marso 2020.

Sa huling WHO epidemiological report, bumagsak ng 28% ang mga naiiulat na bagong kaso o katumbas na 3.1 milyon nitong Setyembre 11. Sinundan nito ang 12% pagbagsak ng naunang linggo.

“We have never been in a better position to end the pandemic,” pahayag niya sa mga mamamahayag. “We are not there yet, but the end is in sight.”

Kaya dapat samantalahin umano ito ng mga gobyerno ng mga bansa dahil kung hindi, maaaring muling lumaki ang mga kaso, magsulputan ang mga bagong variants na nangangahulugan ng mas maraming mamamatay.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with