^

Bansa

Paggamit ni Vice President Sara ng presidential chopper sa pagpasok, itinanggi ng PAF

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Paggamit ni Vice President Sara ng presidential chopper sa pagpasok, itinanggi ng PAF
Vice President Sara Duterte poses in the 250th Presidential Airlift Wing of the Philippine Air Force in this photo from her Facebook page on Sept. 13, 2022.
Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Philippine Air Force (PAF) ang luma­labas na isyu na araw-araw na bumibiyahe si Vice President Sara Duterte mula Manila patungo ng Davao gamit ang helicopters mula sa 250th Presidential Airlift Wing (PAW).

Ayon kay PAF spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, walang katotohanan ang isyu dahil oras ang pinag-uusapan dito.

Dagdag pa nito na ang paggamit ng helicopters sa ganitong ruta ay hindi umano praktikal dahil aabutin ito ng kalahating araw at kailangan pang huminto ng ilang beses para magpa-gasolina.

“Hindi po talaga rational and practical kung gagamitin ang helicopter natin sa pag-uwi sa Davao araw-araw especially if coming from Metro Manila,” dagdag pa ni Castillo.

Ani Castillo, ang mandato ng 250th PAW’s ay ang ibiyahe ang Pangulo, pamilya nito, mga bumibisitang head of states at iba pang foreign VIPs.

Lahat din umano ng helicopters ng 250th PAW ay ginagamit lamang sa mga opisyal na tungkulin at dapat din na aprubado ng Presidente.

“For instance, if the Vice President is going to use a presidential chopper, her office will forward a request to the Office of the President through the Presidential Security Group (PSG). Upon approval, the Office of the President will issue a directive to the PSG which will then forward it to the PAW of the Philippine Air Force. That is the only time our aircraft can be used,” dagdag ni Castillo.

PAF

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with