^

Bansa

'Monarch with dignity': Marcos Jr. nakiramay sa pagkamatay ni Queen Elizabeth II

Philstar.com
'Monarch with dignity': Marcos Jr. nakiramay sa pagkamatay ni Queen Elizabeth II
A woman leaves a condolence message for Britain's Queen Elizabeth II at Parliament House in Canberra on September 9, 2022. Queen Elizabeth II, the longest-serving monarch in British history and an icon instantly recognisable to billions of people around the world, died at her Scottish Highland retreat on September 8 at the age of 96.
AFP/STR

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpanaw ni Elizabeth II, na siyang reyna ng United Kingdom at 14 iba pang Commonwealth realms nito.

Huwebes nang mamatay habang nasa kanyang Scottish Highland retreat ang reyna, ang pinakamahaba sa kasaysayan ng mga Briton, sa edad na 96.

"It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen Elizabeth II in Balmoral Castle yesterday evening," wika ni Bongbong sa kanyang Facebook post, Biyernes.

"She exemplified to the world a true monarch's great dignity, commitment to duty, and devotion to all those in her realm."

Giit ni Marcos Jr., bagama't hindi "subjects" ng reyna ang mga Pinoy at overseas Filipino workers sa England, minahal na raw ng mga nabanggit si Elizabeth II bilang reyna, ina at lola.

Mahaba ang kasaysayan ng pananakop ng British Empire, dahilan para pagharian pa rin nila ang mga British Overseas Territories at Commonwealth realms gaya na lang ng Australia, New Zealand, Canada, Papua New Guinea, Bahamas, atbp. kahit na may "soberanya" na ang ilan dito.

"The world has lost a true figure of majesty in what she demonstrated throughout her life and throughout her reign as Queen," panapos ni Bongbong.

Umakyat sa trono bilang hari ng mga nabanggit na teritoryo si King Charles III. — James Relativo

BONGBONG MARCOS

QUEEN ELIZABETH II

UNITED KINGDOM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with