^

Bansa

’No garage, no car’ sa Metro Manila, 9 probinsya, isinulong

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
âNo garage, no carâ sa Metro Manila, 9 probinsya, isinulong
Motorists endure heavy traffic along the westbound lane of Commonwealth Avenue in Quezon City on Thursday, July 28, 2022.
The STAR/ Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Senate Majority Leader Joel ­Villanueva ang pag-obliga sa mga may-ari ng sasakyan na magpakita ng pruweba na mayroon silang garahe bago sila makapagparehistro ng sasakyan sa Land Transportation Office (LTO).

Ayon kay Villanueva, ito ay para matigil ang pag-park ng mga sasakyan sa gilid ng kalsada na nagdudulot ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan.

Sa Senate Bill 925 o “No garage, no car” bill, paiiralin ito sa Metro Manila at mga siyudad na Angeles, Baguio, Bacolod, Batangas, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo at Olongapo.

Sa mga nasabing lugar, pagbabawalan ng LTO na irehistro ang sasakyan na walang pruweba na may garahe o parking.

Kapag inirehistro ang sasakyan ng walang parking ay papatawan ng tatlong buwan na suspension at walang suweldo ang sinumang kawani o opisyal ng LTO.

Habang ang motorista na magsisinungaling sa LTO na may parking space ay pagmumultahin ng P50,000 sa bawat paglabag at sususpindihin ang lisensya ng tatlong taon gayundin ang rehistrasyon ng bawat sasakyan.

Paliwanag ng majority leader, sinabi ng Japan International Coordination Agency (JICA) na nasa P3.5 milyon ang nawawalang oportunidad kada araw sa Metro Manila noong 2017 dahil sa traffic at aabot ito sa P5.4 bilyon kapag hindi inaksyunan.

LTO

PARKING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with