^

Bansa

Marcos: MSMEs pasisiglahin

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Marcos: MSMEs pasisiglahin
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang MSMEs Summit 2022 kasama sina Go Negosyo Mr. Joey Concepcion, US Ambassador to the Philippines H.E. Marykay Carlson, at Department of Trade and Industry Secretary Alfredo E. Pascual na ginanap sa Manila Hotel, kahapon.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na su­suportahan ang pagpapasigla ng Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) ng bansa, kasabay nang pagkilala sa nasabing sektor sa post-pande­mic economic regene­ration, paglikha ng trabaho, at pagbabawas ng kahirapan.

Sa MSMEs Summit 2022 na ginanap sa Manila Hotel, tiniyak ni Marcos na muling sisigla ang mga MSMEs na kabilang sa mga pangunahing prayoridad ng administrasyon.

Inulit ng Pangulo ang pangako ng gobyerno na makipagtulungan sa lahat ng stakeholders upang tiyakin na ang MSMEs ay protektado at binibigyan ng sapat na pagkakataon, hindi lamang para makabangon muli kundi para umunlad at sa modernong panahon.

Ikinatuwa rin niya na ang MSMEs Summit ay nakatutok sa post-pandemic recovery at ang pagsulong ng digitalization, na naaayon sa mga prayoridad ng administrasyon.

Inihayag din ni Marcos na nais niyang pa­lakasin ng Pilipinas at Estados Unidos ang kanilang MSMEs partnerships.

Ang tagumpay din aniya ng mga MSMEs ay mahalaga sa pagpapatibay ng pundasyon ng ekonomiya.

BONGBONG MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with