^

Bansa

Kaso ng dengue, lepto tuloy ang pag-akyat

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kaso ng dengue, lepto tuloy ang pag-akyat
Sa datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala na ng 118,526 kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Agosto 6, habang may 1, 411 kaso ng leptospirosis sa parehong panahon.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Tuloy ang pagtaas ng mga kaso ng dengue at leptospirosis sa bansa ngayong taon na parehong mas mataas din kumpara noong 2021.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala na ng 118,526 kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Agosto 6, habang may 1, 411 kaso ng leptospirosis sa parehong panahon.

Mas mataas ng 153% ang kaso ng dengue nga­yon kumpara sa 46,761 sa parehong mga buwan noong 2021, habang mas mataas rin ang mga kaso ng leptospirosis ng 22% kumpara noong nakaraang taon na naitala naman sa 1,157.

Mula Hulyo 10 hanggang Agosto 6, nakapagtala ng 29,586 kaso ng dengue kung saan pinakamataas ang mula sa Region III na may 6,035 (20%), kasunod ang NCR na may 4,045 (14%) at ikatlo ang Region VI na may 2,964 kaso (10).

Mayroon namang 399 pasyenteng nasawi sa dengue o katumbas na 0.3% case fatality rate sa buong bansa.

Pinakamataas na naitalang kaso ng leptospirosis ang NCR na may 263 (19%), kasunod ang Region VI na may 171 (12%), at ikatlo ang Region II na may 169 kaso (12%).

Sa buong bansa, nakapagtala na ng 188 pas­yente na nasawi sa leptospirosis na katumbas ng 13.3% case fatality rate.

 

DENGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with