^

Bansa

Higit 7,000 MT asukal, naharang ng BOC sa Subic

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Higit 7,000 MT asukal, naharang ng BOC sa Subic
Bureau of Customs, Department of Trade and Industry, at Philippine National Police conducted second inspection of a warehouse in Bulacan that is suspected of storing hoarded sugar.
Office of the Press Secretary release

MANILA, Philippines — Naharang ng Bureau of Customs ang posibleng pagpuslit ng nasa 7,021 metriko tonelada ng asukal mula sa Thailand sa Subic Port, Zambales nitong Huwebes.

Nasa kustodiya na ng BoC sa Subic Port ang 19 tripulante ng cargo vessel na MV Bangpakaew, na napag-alamang may kargang 7,021 metric tons ng Thailand white refined sugar na katumbas ng 140,000 bags at may kabuuang bayad sa buwis na nagkakahalaga ng P45,623,007.51.

Napag-alaman ng BoC na “recycled” ang import permit na ginamit para sa kargamento na nagamit na sa naunang importasyon ng asukal.

Sa inisyal na imbestigasyon ng BoC, lumalabas na ang consignee ng smuggled na asukal ay ang Oro-Agritrade Inc. sa ilalim ng account ng ARC Refreshments Corp.

Ang Thai exporter ay nakalista bilang Ruamkamlarp Export Co. Ltd habang ang lokal na customs broker ay kinilala bilang si Malou Leynes Buerano.

Ayon kay Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Joeffrey Tacio, ang nasabing cargo vessel ay pinayagang mag-discharge ng kargada nitong alas-11 ng umaga noong Huwebes matapos mabigyan ng clearance ng Sugar Regulatory ­Administration (SRA) at BoC dahil hindi umano ito sakop ng naunsyaming aangkating 300,000 MT ng asukal.

Sa ulat naman na nakarating sa Office of Executive Secretary, may ilang tao ang umano’y kumokontrol sa Subic Port kabilang ang isang “Buboy” at “Reggie” na gumagamit ng “Kysse Lish” at “Foxxie” bilang mga consignees.

Ayon sa OES, ito ay malinaw na pagsasabotahe sa ekonomiya at walang piyansa ang nasabing krimen.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na maaring may mapatalsik sa mga opisyal ng BoC kung mapapatunayang nakikipagsabwatan sa mga tauhan ng ­daungan at mga smugglers na gumagamit ng mga recycled sugar import permit.

ASUKAL

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with