^

Bansa

19% lang ng mag-aaral ang fully vaccinated bago pasukan — DepEd

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
19% lang ng mag-aaral ang fully vaccinated bago pasukan â DepEd
Students listen attentively to their teacher during their face-to-face class at the Hands of Children School in Quezon City on Friday (August 19, 2022).
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Umaabot lamang sa 19 percent ng mga mag-aaral ang fully vaccinated laban sa COVID-19 bago magsimula ang pasukan sa Lunes.

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, ang naturang porsiyento ay mula sa tala ng Department of Health (DOH).

Anya, ang mababang bilang ng mga mag-aaral na fully vaccinated ay dahil ang bakuna ay hindi sapilitan o hindi mandatory.

Samantala, 92% ng mga guro at non-teaching personnel ay full vaccinated.

Sinabi ni Poa na maglalagay sila ng mobile vaccination sa mga paaralan para mapataas ang bilang ng mga mag-aaral na bakunado laban sa COVID pero hindi pa rin ito garantiya dahil kailangan pa rin maengganyo ang mga mag-aaral na magpabakuna laban sa virus.

Samantala, 46 percent ng mga paaralan sa buong bansa ang magsisimula nang magpatupad ng full face-to-face classes sa August 22.

Ang 46% ay kumakatawan sa 24,175 public at private schools sa buong bansa na magsasagawa ng limang araw na pasok sa paaralan.

Simula sa November 2 ay ipatutupad na ang in-person classes sa lahat ng public at private schools sa buong bansa.

COVID-19 VACCINE

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with