^

Bansa

Supermarkets, payag sa P70/kilo ng asukal

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inanunsiyo kahapon ng Malacañang na pumayag ang mga malala­king negosyante sa bansa na may-ari ng mga kilalang supermarkets na ibaba sa P70 ang kilo ng asukal.

Sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., pinangasiwaan ni Executive Secretary Victor Rodriguez ang serye ng pakikipag-usap sa mga may-ari ng Robinsons Supermarket, SM Supermarket, Puregold Supermarket at S&R Membership Shopping at lahat sila ay sumang-ayon sa suggested retail price na P70 kada kilo ng asukal, mula sa mataas na P90-P110 kada kilo.

Sinabi ni Rodriguez na ang mga tindahan ng SM ay nangako na ibebenta ang kanilang washed sugar sa P70 kada kilo habang ang Robinson’s Supermarket ay nangako na magbababa ng 1 ­milyong kilo ng asukal sa P70 kada kilo na may 1 kilo kada pakete sa Metro Manila.

“Nangako rin ang Puregold na maghahanda ng 2 milyong kilo ng refined sugar sa P70 kada kilo. Magbibigay ito ng access sa mga ordinaryong Pilipino sa mas murang asukal na may higit sa 3 milyong kilo na available sa merkado sa susunod na linggo,” ani Rodriguez.

Upang matiyak na maraming mamimili ang makaka-avail ng murang asukal, sinabi ni Rodriguez na susubaybayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagsunod ng mga kalahok na retailer sa napagkasunduang limitasyon sa pagbili na 1 kilo bawat consumer.

Ang limitasyon na 1 kilo bawat consumer ay upang maiwasan ang posibleng pag-iimbak ng ilang negosyante.

Asahan ng mga mamimili ang pagbaba ng ­presyo sa mga na­ngungunang groceries at supermarket sa Metro Manila sa susunod na linggo.

Ipatutupad ang P70 kada kilo ng asukal hanggang sa tumagal ang supply, ayon sa mga may-ari ng supermarket.

ASUKAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with