^

Bansa

‘Immunocompromised’ dapat mabigyan ng 2nd booster — WHO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng World Health Organization (WHO) na dapat matutukan ng mga pamahalaan sa mundo na mabigyan ng ikalawang booster shot ang mga taong ‘at risk’ o iyong ‘immunocompromised’ para mapataas ang proteksyon nila laban sa COVID-19.

Ayon sa Strategic Advisory Group of Experts on Immunization (SAGE), inirekomenda nila ito dahil sa basehan ng patuloy na pagbaba ng ‘immunity’ ng mga ‘immunocompromised’ at sa pagdami ng kaso ng mga Omicron subvariants.

Una nang inirekomenda ng UN health agency na mabigyan ng unang booster ang lahat ng adults may apat hanggang anim na buwan makaraan ang kanilang unang dalawang dosage.

Ayon sa SAGE, ang second booster ay dapat ialok sa mga nakatatanda at lahat ng ‘immunocompromised’, mga buntis, at maging may ibang karamdaman tulad ng ‘diabetes, hypertension, cardiac, lung at kidney diseases’.

Sa pagtingin sa hinaharap, sinabi ng SAGE na maaaring kailanganin pa ng mga dagdag na dose may apat hanggang 12 buwan makaraan ang ikalawang booster shot, lalo na sa mga ‘vulnerable’ na populasyon para maiwasan ang malubhang sakit at kamatayan.

Sa ngayon, kanilang ini-evaluate ang ginagawang development ng mga ‘vaccine makers’ tulad ng Moderna at Pfizer na nakatutok sa paglaban naman sa mas mabilis na nakahahawa na Omicron subvariants.

vuukle comment

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with