^

Bansa

Customs napigil 'smuggling' ng 7,000 MT ng asukal sa Subic Port

James Relativo - Philstar.com
Customs napigil 'smuggling' ng 7,000 MT ng asukal sa Subic Port
Kuha ng cargo vessek na M.V Bangpakaew mula sa Thailand na may kargang 7,000 metric tons (MT) na asukal
Mula sa Twitter account ng Office of the Press Secretary

MANILA, Philippines — Napigilan ng Bureau of Customs ang diumano'y pagpupuslit ng 7,021 metric tons ng asukal mula Thailand sa Subic Port, Zambales nitong Huwebes matapos malaman ng otoridad na "recycled" o dati nang nagamit sa lumang sugar shipment ang kanilang import permit.

Itinimbre ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang tangkang smuggling daw kay Executive Secretary Victor Rodrigez, na una nang inutusan ang BOC na bisitahin ang mga warehouses kung saan pinaniniwalaang may hoarding ng asukal sa ngalan ng kita.

Ang lahat ng ito ay nangyayari kasabay ng nagtataasang presyo ng asukal sa lokal na merkado, na siyang pumapatak na sa P100/kilo ayon sa price monitoring ng Department of Agriculture.

Agad iniutusan ni Ruiz ang BOC sa Subic Port na ilagay sa kanilang kostodiya ang 19 crew members ng cargo vessel na MV Bangpakaew na siyang napag-alamang may dalang 7,021 metric tons ng Thailand white refined sugar. Katumbas 'yan na 140,000 bags ng asukal na may kabuuang tax payment na P45.62 milyon.

Sinasabing ang consignee ng askukal ay ang Oro-Agritrade Inc., habang ang Thai exporter naman ay nakalista bilang Ruamkamlarp Export Co. Ltd. Natukoy naman bilang si Malou Leynes Buerano ang local customs broker.

"Initially, the said a cargo vessel was allowed to discharge its load at 11 a.m. today (Thursday), cleared by [Sugar Regulatory Administration] and BoC because it was not covered by the failed attempt to import 300,000 MT of sugar. This means that the recycled permit was from an old allocation," ani Customs Intelligence and Investigation (CIIS) officer-in-charge Joeffrey Tacio, Biyernes.

Ani Tacio, sinaklaw ng special permit to discharge at verified single administrative document mula sa BOC ang cargo, na may verified clearance mula sa SRA sa pamamagitan ng isang Rondoll Manjarres.

Una nang nagkaroon ng smuggling ng imported na asukal gamit din ang modus na "recycled import permits" noong nakaraang linggo, ayon sa mga ulat na natanggap ni Rodriguez.

"This is clearly economic sabotage and this crime is non-bailable," ayon sa report mula sa Office of the Executive Secretary.

Hoarding sa Bulacan warehouses?

Samantala, pinaiimbestigahan din nina Rodriguez sa BOC, sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na imbestigahan ang posibilidad na ang diumano'y "locally procured" sugar na nasabat sa dalawang warehouses sa San Jose del Monte, Bulacan ay imported talaga ngunit ni-repack gamit ang mga sako ng lokal na brands.

Pinagsususpetyahan na noon ni Rodriguez kung bakit hindi ma-account ng SRA ang 63,000 MT ng askukal na siyang balanse mula sa 200,000 MT sa ilalim ng Sugar Regulatory Board nitong Pebrero.

Mananagot naman daw ang ilan sa BOC kung mapatunayang kasabwat sila ng mga smuggler na gumagamit ng recycled permits. Hindi rin daw bababa sa isa sa mga warehouses sa Bulacan at Pampanga kahapon ang hindi rehistrado sa SRA.

"Suspicions were raised when the owner claimed that the stock pile was the result of slow sales. ‘Matumal’ daw," ani Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kanina.

“Dun pa sa hinarang na shipment, gamit pa daw ang permit from Sugar Order No. 3. Kung tutoo ito, lalong nagiging suspicious yung madaliang paglabas ng Sugar Order No. 4."

BONGBONG MARCOS

BUREAU OF CUSTOMS

OFFICE OF THE PRESS SECRETARY

SMUGGLING

SUGAR

TRIXIE CRUZ-ANGELES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with