^

Bansa

Serye ng hawaan: Nancy Binay, JV Ejercito sabay nagpositibo sa COVID-19

Philstar.com
Serye ng hawaan: Nancy Binay, JV Ejercito sabay nagpositibo sa COVID-19
This file photo shows the Senate building in Pasay City.
Official Gazette, file

MANILA, Philippines — Inanunsyo nina Sens. Nancy Binay at JV Ejercito na sila'y tinamaan ng COVID-19, dahilan para sila ang maging ika-anim at ika-pitong nahawaan ng nakamamatay na sakit sa panibagong serye ng infections ng mga senador.

Sa isang pahayag na inilabas ni Binay, Biyernes, sinabi niyang nag-test positive siya sa sakit nitong ika-18 ng Agosto "matapos ang dalawang taon nang pagsunod sa health protocols laban sa virus."

"I am currently at home in isolation, and strictly following recommended protocols, including health and safety procedures," wika niya sa isang pahayag kanina.

"My family and I are asking for your continued prayers for me and my colleagues in the Senate for our full recovery. As always, prayer is our first line of defense."

Ngayong araw lang din nang sabihin ni Ejercito na kalalabas lang ng kanyang RT-PCR results kahapon ng umaga kung saan kagabi lang niya nakuha ang resulta: "No symptoms. Ingat pa rin po tayo," banggit niya sa isang paskil sa Facebook.

Huwebes ng gabi nang ibalita ni Sen. Joel Villanueva na nagpositibo rin siya sa virus, kalakip ang litrato ng kanyang RT-PCR result.

Miyerkules naman nang mabanggit ni Senate President Migz Zubiri na nagpapagaling sa COVID-19 si Sen. Grace Poe kung kaya't hindi siya makadadalo ng sesyon.

Linggo na ang nakararaan nang sabay-sabay magpositibo sina Sen. Imee Marcos, Alan Peter Cayetano at Cynthia Villar, dahilan para magdeklara ng tatlong linggong lockdown ang Senado. — James Relativo

JV EJERCITO

NANCY BINAY

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with