^

Bansa

Marcos, pumayag mag-angkat ng 150K MT asukal

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Marcos, pumayag mag-angkat ng 150K MT asukal
Sacks of imported sugar, which were suspected to be hoarded from Thailand, stockpiled inside the warehouse.
BOC - Public Information and Assistance Division (BOC-PIAD)

MANILA, Philippines — Pumayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-angkat ng 150,000 metric tons (MT) ng asukal.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, naabot ang kasunduan sa pakikipagpulong ni Marcos Jr. kasama si Senate President Juan Miguel Zubiri at mga nasa industriya ng asukal sa Malacañang nitong Miyerkules.

Sinabi Cruz-Angeles na ang 150,000 MT ang panukalang dami ng asukal na aangkatin.

Mismong malalaking negosyo na gumagamit ng asukal sa kanilang produkto ang nakausap ng Pangulo.

Pero wala pa aniyang itinakdang araw o buwan kung kailan aangkatin ang 150,000 MT ng asukal.

Matatandaan na sa kanyang lingguhang vlog na na-upload noong Linggo, sinabi ni Marcos na maaaring mag-import ng asukal ang pamahalaan ng hanggang 150,000 metriko tonelada na kalahati ng naunang mungkahi ng Sugar Regulatory Administration (SRA).

Maaari rin aniya na bandang Oktubre ito gawin.

ASUKAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with