^

Bansa

Pangulong Marcos, pina-‘raid’ ang bodega ng asukal sa Pampanga

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos, pina-âraidâ ang bodega ng asukal sa Pampanga
Ni-raid ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang warehouse na ito sa Bulacan kung saan nadiskubre ang nakaimbak na 44,000 sako ng imported sugar. Isa pang bodega ng asukal sa Pampanga ang sinalakay din ng BOC kahapon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Bureau of Customs (BoC) na buksan ang isang bodega sa Pampanga na pinaghihinalaang nag-iimbak ng libu-libong sako ng asukal.

Kinumpirma ni Executive Secretary Victor ­Rodriguez na inatasan siya ng Pangulo para abisuhan ang BoC na gamitin ang visitorial powers sa lahat ng customs bonded warehouses at i-check ang imported agricultural products na nakaimbak sa mga bodega.

“The BOC’s Pampanga sugar warehouse raid may very well serve as a warning to unscrupulous traders who are currently hoarding their stocks of sugar in order to profit from the current artificial sugar shortage situation,” ani Rodriguez.

Una rito, sinalakay ng mga operatiba ng Clark-based Customs Intelligence and Investigation Service at Enforcement and Security Service–Quick Reaction Team ang Lison Building na kinaroroonan ng New Public Market sa Barangay Del Pilar sa San Fernando, Pampanga noong Huwebes.

Tumulong sa BoC ang mga opisyal ng barangay at ang lokal na yunit ng Philippine National Police.

Sa isang press briefing nilinaw naman ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na hindi raid ang ginawa kundi pagpapatupad ng “visitorial powers” ng BoC base na rin sa utos ng Malacañang.

Na-padlock na ang nasabing bodega dahil sa posibleng pag-smuggled ng asukal.

ASUKAL

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with