^

Bansa

Mahihirap na estudyante, may ayuda sa DSWD

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mahihirap na estudyante, may ayuda sa DSWD
Parents and students fill out enrollment forms during the Balik Aral program for the incoming students of Malanday Elementary School in Marikina City on Monday, Aug. 15, 2022.
The STAR/ Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Makakatanggap ng pinansiyal na tulong ang mga mahihirap na estudyante mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magagamit nila ngayong pasukan.

Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, ang mga mahihirap na estudyante sa elementarya ay bibigyan ng P1,000; P2,000 sa high school, P3,000 sa Senior High School at P4,000 sa mga nasa kolehiyo o vocational school.

Hanggang tatlong estudyante lamang sa isang pamilya ang makakatanggap ng cash assistance.

Sa press briefing sa Malacañaang matapos dumalo sa Cabinet meeting, sinabi ni Tulfo na magsisimula ang programa ngayong Sabado, Agosto 20, 2022 na tatagal ng anim na Sabado o hanggang sa Setyembre 24.

Ang programa ay nakapaloob sa ilalim ng Assistance for Individual in Crisis Situation.

Tiniyak din ni Tulfo na hindi mauubusan ang mga benepisyaryo dahil nasa P500 milyon ang inilaang pondo para sa mga mahihirap na estudyante sa buong bansa.

Magbubukas aniya ang main office ng DSWD sa Sabado sa ganap na alas-7 ng umaga samantalang sa mga field offices, regional at provincial DSWD offices magbubukas ng alas-otso ng umaga.

Kailangan lamang ipakita sa kanilang tanggapan ang enrollment certificate ng mga estudyante at valid school ID na hindi expired.

Nilinaw ni Tulfo na hindi na kailangan ng sertipikasyon ng barangay na nagpapatunay na mula sa mahirap na pamilya ang estudyante.

“Siguro naman ho iyong may mga pera, hindi na ho magpupumila diyan ng six hours po para makakuha ng pambayad ng ika nga makabili ng uniporme or school supplies. So, we’re hoping and expecting po na mga indigent lang po ang pipila diyan,” ani Tulfo.

Pinayuhan ni Tulfo ang mga nanay na sila na lamang ang pumila at hindi na kailangang dalhin ang mga bata pero ang mga nasa senior high school, college at saka vocational courses ay maaaring sila mismo ang pumunta sa DSWD. Puwede rin ang appointment sa pamamagitan ng internet o kaya ay mag-email sa kanilang tanggapan.

vuukle comment

DSWD

STUDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with