^

Bansa

Unang kaso ng human-to-dog transmission ng monkeypox, naitala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling nag-abiso ang World Health Organization (WHO) ng dobleng pag-iingat sa monkeypox virus makaraang maitala ang unang kaso ng ‘human-to-dog transmission’.

Ang kaso ay sa pagitan ng dalawang lalaki at ng kanilang Italian greyhound sa Paris, France.

Ayon kay Rosamund Lewis, technical lead for monkeypox ng WHO, may mga pag-aaral na rin ang mga eksperto sa posibilidad ng paglilipat ng virus sa mga hayop kaya’t pinapayuhan nila ang mga nagpopositibo sa sakit na iwasang lumapit sa kanilang mga alaga.

Mahalaga rin umano ang ‘waste management’ upang maibaba ang panganib ng kontaminasyon ng mga daga o iba pang hayop.

Aminado rin si Lewis na may mga posibilidad ng mutation ng virus sa pagtuloy na paglilipat-lipat nito.

Sa datos, mahigit 35,000 na ang kaso ng monkeypox ngayong taon sa 92 countries kung saan 12 ang nasawi.

vuukle comment

WHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with