^

Bansa

Pangulong Bongbong Marcos, Sandro ­nagpa-2nd booster vs COVID-19

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Bongbong Marcos, Sandro ­nagpa-2nd booster vs COVID-19
Makikitang nagpapaturok ng COVID-19 booster shots sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (kanan) at anak na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos (kaliwa), ika-17 ng Agosto, 2022, para mahikayat ang publikong kumuha ng karagdagang proteksyon laban sa nakamamatay na virus.
Video grab mula sa RTVM Facebook page

MANILA, Philippines — Upang higit na mahikayat ang publiko sa pagpapabakuna, nagtungo kahapon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang vaccination site sa isang mall sa Maynila at nagpaturok ng kaniyang ikalawang COVID-19 booster shot bilang dagdag na proteksyon laban sa virus.

Kasama ni Marcos Jr. ang anak na si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos na nagpaturok din ng kaniyang 2nd booster.

Sa kanyang talumpati sa “Pinaslakas Vaccination Campaign sa SM Manila, muling iginiit ng Pangulo ang kahalagahan ng booster shots kaya personal siyang dumalo sa okasyon. Nais niyang ipakita sa mga mamamayan na ligtas at epektibo ang bakuna.

“So that really is the reason why I have come here today to highlight the importance of having the booster shot. And when we were talking about it, I realized na umabot na ako sa apat na buwan so puwede na ako mag-booster talaga. So that is why to show everyone it is safe, it is effective, and it is needed,” wika niya.

Si Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang nagbigay ng ikalawang booster shot sa Pangulo habang si Manila Mayor Honey Lacuna ang nagbakuna kay Sandro.

Sinabi ni Marcos na upang makumpleto ang bakuna ay dapat makumpleto ang booster shot upang magtuloy-tuloy na bukas ang ekonomiya.

Tiniyak din ng Pangulo na kahit pa magkaroon ng side effect ang booster shot ay hindi naman magiging malubha ang epekto ng COVID-19 at lahat ng ibang variants.— Danilo Garcia

MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with