^

Bansa

State of public health emergency palalawigin – Pangulong Bongbong Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
State of public health emergency palalawigin â Pangulong Bongbong Marcos
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. answers questions from the media at a press briefing at Heroes Hall in Malacañang, Tuesday, July 5, 2022.
OPS / Robertson Ninal

MANILA, Philippines — Palalawigin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang state of public health emergency sa Pilipinas hanggang katapusan ng 2022.

Ayon kay Marcos, maraming ibinibigay ang international medical community kung nasa state of emergency ang bansa.

Inihalimbawa ni Marcos ang World Health Organization na malaki ang naitulong sa pagdadala ng bakuna laban sa COVID -19.

“Maraming mga binibigay sa international medical community kapag state of emergency. Isa na rito ang World Health Organization,” ani Marcos

Kung ititigil aniya ang pagpapatupad ng public health emergency ay matitigil din ang mga ibinibigay sa Pilipinas ng international medical community.

“Kung itigil natin ‘yung state of emergency, matitigil ‘yun. But if we can change — we are looking at ­amending the law in terms of procurement and all of that in the middle of an emergency. But that will take time. So malamang. i-extend natin hanggang sa katapusan ng taon,” ani Marcos.

Matatandaan na idineklara ang state of public health emergency ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 8, 2020 upang agad na matugunan ang banta ng COVID-19.

BONGBONG MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with