^

Bansa

WHO, nais baguhin ang pangalan ng ‘monkeypox’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humihingi ngayon ng tulong ang World Health Organization (WHO) sa publiko para lumikha ng bagong itatawag sa ‘monkeypox virus’ upang mabawasan ang kahihiyan na idudulot sa dadapuan nito.

Ayon sa mga eksperto, labis na napapasama ang mga ‘primates’ o unggoy dahil sa pagpangalan sa mga ito ng naturang virus, kahit na napakaliit ng kanilang papel sa pagkalat nito. Sumasama rin ang pagkakakilanlan sa Africa na palagiang idinidikit ang uri ng unggoy sa naturang kontinente.

Patunay nito ang napaulat na pag-atake ng mga tao sa mga unggoy dahil sa takot na ang mga ito ang nagpapakalat ng virus.

“Human monkeypox was given its name before current best practices in naming diseases,” paliwanag ni WHO spokeswoman Fadela Chaib kung paano napangalanan ang virus.

Unang natukoy ang virus sa mga unggoy sa isang pananaliksik sa Denmark noon pang 1958, ngunit sa ngayon ay matatagpuan na rin ito sa iba pang mga hayop, lalo na sa mga daga.

“We want really to find a name that is not ­stigmatizing,” dagdag niya.

Maaari umanong magbigay ng suhestiyon ang sinuman sa maaaring ipalit na pangalan ng virus sa pamamagitan ng ‘dedicated website’ na: https://icd.who.int/dev11.

Ngunit may mga unang pagpupulong na umano ang mga eksperto para pangalanan ang virus. Nagkakaisa sila na pangalanan ito gamit ang Roman numerals, tulad ng pagtawag dito bilang Clade I at Clade II, base sa variant nito.

WHO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with