^

Bansa

'Paturok na kayo': Marcos Jr. nagpa-COVID-19 booster in public, hinikayat mga Pinoy

James Relativo - Philstar.com
'Paturok na kayo': Marcos Jr. nagpa-COVID-19 booster in public, hinikayat mga Pinoy
Makikitang nagpapaturok ng COVID-19 booster shots sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (kanan) at anak na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos (kaliwa), ika-17 ng Agosto, 2022, para mahikayat ang publikong kumuha ng karagdagang proteksyon laban sa nakamamatay na virus
Video grab mula sa RTVM Facebook page

MANILA, Philippines — Nagpaturok ng kanyang "booster shot" laban sa COVID-19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng media ngayong Miyerkules, ito habang hinihikayat ang publiko na kumuha ng karagdagang shots para mapanatili ang proteksyon sa nakamamatay na sakit.

Ito mismo ang ginawa ni Bongbong sa gitna ng PinasLakas Vaccine Campaign ng Department of Health (DOH) sa isang vaccination site sa SM City Manila.

"That's why I'm here... I asked my son [Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos] to join me dahil... even younger people... to demonstrate how important it is to us na everybody get their booster," ayon kay Bongbong kanina.

"Sapat naman ang suplay natin ng mga doses, na meron pa rin tayong parating. At tinitignan nga natin 'yung bagong vaccine na baka sakali ito 'yung pinaka-effective kontra dito sa ating mga bagong variant na hinaharap."

"That is the reason I have come here today to highlight the importance of having the booster shot."

 

 

Ayon kay Marcos Jr., umabot na siya sa apat na buwan mula nang huling makatanggap ng bakuna kung kaya't pwede na siyang makakuha ng booster. 

Bumababa kasi ang immunity laban sa sakit habang tumatagal ang panahon mula noong makakuha ng primary series at unang booster.

"[I am doing this] to show everyone that it [booster] is safe, it is effective and it is needed, with us opening the economy, us trying to open the schools, trying to bring everything back to a normal situation... and the importance that this booster will play in bringing us back to that condition," sabi ng presidente.

"Kami ngayon ay we will take our shot. I'm sure we will be fine... That is again an assurance not only for me but for everybody else."

Sandro second booster na ba?

Kinaklaro pa naman ngayon ng Philstar.com sa DOH kung ito ang una o ikalawang booster nina Bongbong at Sandro, at kung eiligible na ba ang ikalawa kung ito na ang second booster. Hindi pa sila tumutugon.

Kasalukuyang iginigulong ng DOH ang pagbibigay ng ikalawang booster shots sa mga senior citizens, healthcare workers, piling immunocompromised, atbp. Sa kabila nito, hindi pa ito itinuturok sa general population.

Si Bongbong ay kasalukuyang 64-anyos.

Aabot na sa 18,900 ang nila-launch na "PinasLakas" vaccination sites sa buong Pilipinas gaya na lang sa mga palengke, eskwelahan, lugar ng trabago, terminal, sambahan, atbp.

Layon ng gobyernong ma-fully vaccinate ang 90% ng senior citizen population, maliban sa pagtataas ng booster dose coveragfe sa 50% ng buong bansa bago ang ika-8 ng Oktubre, bagay na tanda ng ika-100 araw ng Marcos Jr. administration.

Una nang sinabi ni Health Undersecretary Carol Tanio ngayong linggo na aabot na sa 20.66 milyong COVID-19 vaccines ang nasayang hanggang nitong ika-12 ng Agosto. Bukod pa 'yan sa "bilyung-bilyong" pisong halaga ng bakuna na nasayang mula sa pribadong sektor.

Sa datos ng DOH kahapon, aabot na sa 158.4 milyong doses ng bakuna ang naituturok sa Pilipinas. 71.52 milyon na sa kanila ang nakakumpleto ng primary series. Sa kabila nito, 17.15 milyon pa lang ang nakakukuha ng booster shots.

Dumarami uli ang kaso ng COVID-19 sa bansa nitong mga nagdaang linggo at buwan, dahilan para umabot na sa 3.83 milyon ang nahahawaan. Sa bilang na 'yan, 36,190 ang aktibong kaso. Pumalo naman na sa 61,127 ang namamatay dahil sa sakit.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

BOOSTER SHOT

COVID-19 VACCINES

NOVEL CORONAVIRUS

SANDRO MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with