^

Bansa

Army reservist na bodyguard ng wanted na Tsino, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Army reservist na bodyguard ng wanted na Tsino, arestado
Sa ulat ng MPD-Special Mayors Reaction Team (SMaRT), inihain nila ang warrant of arrest laban kay Jinxi Chen, alyas Henry Tan, dakong alas-11:50 kahapon ng tanghali sa loob ng Binondo Warehouse Depot sa Barraca cor. Tolenero Street, Binondo.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang Philippine Army reservist na nagba-bodyguard sa isang Chinese national na wanted sa kasong estafa, kahapon ng tanghali sa Binondo, Maynila.

Sa ulat ng MPD-Special Mayors Reaction Team (SMaRT), inihain nila ang warrant of arrest laban kay Jinxi Chen, alyas Henry Tan, dakong alas-11:50 kahapon ng tanghali sa loob ng Binondo Warehouse Depot sa Barraca cor. Tolenero Street, Binondo.

Habang inihahain ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Estela Alma Sigco-Caruso ng Cebu Regional Trial Court Branch 12, laban kay Jinxi Chen, humarang umano ang bodyguard nito na si Raymond Galicia, 47, nakatira sa Craig Street, Sampaloc.

Natagpuan sa poses­yon niya ang isang kalibre 9mm na baril at isang magazine na may 13 laman na bala at isang ID ng AFP.
Dinala na sa tanggapan ng MPD-SMaRt ang inarestong Tsino habang isinasailalim sa berepikasyon ang nakumpiskang baril buhat kay Galicia.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with