^

Bansa

SRA chief, nagbitiw na rin

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
SRA chief, nagbitiw na rin
Photo from the website of Sugar Regulatory Administration shows Hermenegildo Serafica.
Sugar Regulatory Administration

MANILA, Philippines — Nagbitiw na rin sa puwesto si Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica sa gitna pa rin ng kontrobersiya sa importas­yon ng asukal.

Sa isang pahinang liham ni Executive Secretary Vic Rodriguez kay Serafica na may petsang Agosto 15, 2022, nakasaad dito na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang resignation at ito ay “effec­tive immediately”.

Kinumpirma naman sa Facebook post ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na tinanggap ni Pangulong Marcos ang resignation letter nina Serafica gayundin ang pagbibitiw ni Atty. Roland Beltran ng Sugar Regulatory Board.

Si Serafica ang ikatlong opisyal ng SRA na nagbitiw sa gitna ng kontrobersyal na pag-iisyu ng Sugar Order No. 4 na nagpapahintulot sa pag-aangkat ng may 300,000 metrikong toneladang asukal.

Nauna nang nagbitiw si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian at Atty. Beltran na kumakatawan sa sugar millers sa Sugar Board.

Iginiit ni Angeles na ang SRO-4 ay itinutu­ring na iligal dahil ang inisyu nilang resolusyon ay walang approval ni Pangulong Marcos na siyang tumatayo bilang Agriculture Secretary at siya rin chairperson ng board.

 

SUGAR REGULATORY ADMINISTRATION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with