^

Bansa

Pagpapaliban ng Brgy., SK polls sa Disyembre 2023, aprub sa House

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pagpapaliban ng Brgy., SK polls sa Disyembre 2023, aprub sa House
Sa ginanap na video conference ng komite sa pamumuno ni Rep. Maximo Dalog Jr. (Lone District, Mountain Pro­vince), 12 Kongresista ang pumabor sa panukala na ipagpaliban sa Disyembre 2023 ang Brgy. at SK elections sa bansa.
The STAR / File

MANILA, Philippines — Bumoto ang mga mi­yembro ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms para sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na Disyembre 5, 2022 at itakda na lamang sa Disyembre 4, 2023.

Sa ginanap na video conference ng komite sa pamumuno ni Rep. Maximo Dalog Jr. (Lone District, Mountain Pro­vince), 12 Kongresista ang pumabor sa panukala na ipagpaliban sa Disyembre 2023 ang Brgy. at SK elections sa bansa.

Ito’y sa gitna na rin ng pagsusulong ng ilang mambabatas na huwag munang idaos ang nasabing eleksyon upang makatipid ng pondo ang pamahalaan lalo pa at malaki ang nagasta sa katatapos na May 9 , 2022 national polls.

Una rito, inihayag ng Comelec na kung ipagpapaliban muna ngayong taon ang pagdaraos ng eleksyon sa nasabing level ay tinatayang nasa P5 bilyon ang magagastos ng gobyerno.

Sumalungat naman sa botohan sina ACT Teachers Partylist Rep. France Castro at Kabataan Party­list Rep. Raoul Manuel sa katwirang tinatanggalan umano ng karapatan ang mga botante.

Bukod dito, mag-o-overstaying na umano sa puwesto ang mga Brgy. officials at maging sa SK dahil sa ilang taon na palagi na lamang ipinagpapaliban ang halalan.

Gayunman, pinagti­bay ng House panel ang mosyon na isagawa ang botohan sa Disyembre 2023 o tatlong taong termino.

Nabatid pa na ang mga mahahalal sa puwesto sa Brgy. at SK polls ay magsisimula ang termino ?sa Enero 1, 2024.

 

SANGGUNIANG KABATAAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with