^

Bansa

P1.4 bilyong pondo sa libreng sakay sa EDSA carousel, aprub ng DBM

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P1.4 bilyong pondo sa libreng sakay sa EDSA carousel, aprub ng DBM
A driver of an Edsa Carousel bus at the Quezon City loading bay.
PNA photo by Jess M. Escaros Jr.

MANILA, Philippines — Aprubado na ng Department of Budget and Ma­nagement (DBM) ang  P1.4 bilyon na Special Allotment Release Order (SRO)  at ang Notice of Cash Allocation (NCA) na karagdagang pondo para sa pinalawig na “Libreng Sakay” program.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang paglalaan ng karagdagang pondo ay suporta sa hangad ni Pangulong Bongbong Marcos na palawigin ang Libreng Sakay ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hanggang Disyembre.

Sinabi ni Pangandaman, malaking tulong at ginhawa ang nasabing programa sa bulsa ng mga commuter lalo na sa mga estudyante at mga kabilang sa labor force lalo na sa 50 milyong mananakay mula Setyembre 1 hanggang Disyembre 31.

Ang nasabing karagdagang pondo ay inilabas umano ng DBM noong Agosto 9 at makikinabang dito ang humigit kumulang 628 unit ng mga  public utility bus sa kahabaan ng Edsa busway route sa Metro Manila.

Magugunita na nagpasya si Pangulong Marcos na palawigin pa ang mga libreng sakay sa Edsa Bus Carousel kasama ang libreng sakay para sa mga estudyante sa mga linya ng tren sa Metro Manila.

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with