^

Bansa

Sugar hoarders, pinatutugis ni Poe

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinatutugis na ni Sen. Grace Poe ang mga umiipit sa supply ng asukal kaya nagkakaroon ng artificial shortage sa bansa.

Ayon kay Poe, chairman ng Senate committee on economic affairs, na dapat ng gamitin ng buong lakas ang batas laban sa mga sugar hoarder na lumilikha ng artificial shortage at nagpapataas sa presyo ng asukal.

Sa gagawing imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee, kailangan umano na matunton ang mga kumpanya o inbidwal na nabigyan ng import permit na umaangkat ng asukal at maaring umiipit sa supply.

Paliwanag ni Poe, maaaring mayroong sindikato na paulit-ulit ang ginagawang ito sa pag-ipit ng supply para may dahilan para makapag-import dagdag pa ang pagpapataas sa presyo nito.

Bukod sa kanila dapat din daw tugisin at makasuhan ang mga opisyal at kawani ng gobyerno sa likod ng hindi dapat na importasyon ng asukal.

Ginawa ni Poe ang pahayag matapos na ibunyag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na may mga nakaimbak sa mga Customs warehouse ng mahigit sa 126,000 imported na asukal na natitira mula sa 172,000 metric tons na dumating noong July 31.

Mayroon pa umanong parating na 27,000 metric tons at base pa ito sa sugar order no. 3.

GRACE POE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with