^

Bansa

20.6 milyong COVID-19 vaccines, nasayang - DOH

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
20.6 milyong COVID-19 vaccines, nasayang - DOH
Sinabi ni Health Under­secretary Carol Tanio sa pagdinig ng Senate committee on Health demography ni Senador Bong Go, na kabuuang 20,660,354 bakuna kontra COVID ang nasayang hanggang nitong Agosto 12.
The STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Mahigit sa 20 milyon na donasyon at nabi-ling COVID-19 vaccines doses sa Pilipinas ang nasayang.

Sinabi ni Health Under­secretary Carol Tanio sa pagdinig ng Senate committee on Health demography ni Senador Bong Go, na kabuuang 20,660,354 bakuna kontra COVID ang nasayang hanggang nitong Agosto 12.

Paliwanag ni Tanio, 6% nito ang donasyong bakuna, 22% ay binili ng local governments at 40% naman ay binili ng pribadong sektor na na-expired.

Nilinaw naman ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang 134 million vaccine doses na binili ng national government ay hindi nasayang.

Anya, umabot lang sa 8.42 porsiyento ng mga bakuna kontra COVID-19 na dumating sa bansa ang nasayang subalit nasa loob pa rin umano ito ng standard rate na 10% o mas mababa sa itinakda ng World Health Organization.

Dahil dito nanga-ngamba naman si Sen. Risa Hontiveros na pagdating ng Oktubre ay baka lumampas na ito sa threshold ng WHO para sa acceptable wastage kaya dapat ay bilisan ang pagbabakuna sa mga tao.

Nilinaw naman ni Vergeire na ang mga pa­ngunahing dahilan ng pagkasayang umano ng bakuna ay ang expiration at operational issues tulad ng nabuksang bote ng bakuna subalit hindi nagamit, natapon ang bakuna, basag ang bote, may backflow o umapaw, may natira dahil sa under dose, may nasayang din dahil sa national disasters tulad ng bagyong Odette, nagkasunog, lindol, nabago ang temperatura at discoloration.

Paliwanag pa ni Vergeire, dahil nakiusap ang Pilipinas ay papalitan ang lahat ng na-expired na bakuna binili man ng gob­yerno o pribadong sektor at pinaigting din ng gob­yerno ang vaccination program nito.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with