^

Bansa

Mga guro na ‘di pa bakunado pwedeng magturo sa F2F classes

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mga guro na âdi pa bakunado pwedeng magturo sa F2F classes
Patuloy ang isinasagawang pagsasaayos sa mga classrooms ng Malanday Elementary School sa Marikina City isang linggo bago ang nakatakdang pagbubukas ng klase.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Pinahintulutan na rin ng Department of Education (DepEd) ang mga gurong hindi pa bakunado laban sa COVID-19, na makapagturo na sa nalalapit na pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa.

Sa isang pulong balitaan nitong Lunes, sinabi ni DepEd Undersecretary Atty. Revsee Escobedo na ang bago nilang polisiya ay payagan na rin ang mga unvaccinated tea-chers na mag-report sa trabaho at magturo.

Gayunman, kailangan aniya ng mga itong istriktong tumalima sa umiiral na minimum public health protocols, gaya nang pagsusuot ng face masks.

Kailangan din na ang mga silid-aralan na pagtuturuan ng mga ito ay mayroong maayos na bentilasyon.

Ang mga guro naman aniya na makikitaan ng mga sintomas ng CO-VID-19 ay pinapayuhang magpasuri at manatili na lamang sa tahanan.

Tiniyak ng DepEd na ang mga gurong sasailalim sa quarantine ay magkakaroon ng ‘excused leave with pay.’

Nakikipag-ugnayan  na rin ang DepEd sa Department of Health (DOH) para sa pagdaraos ng mobile COVID-19 vaccinations sa mga paaralan, para sa mga bata at mga gurong nais nang magpabakuna.

FACE TO FACE CLASS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with