^

Bansa

SRA official pa, nagbitiw!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbitiw na sa kanyang posisyon ang isa sa mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na umano’y pumirma sa ‘di awtorisadong pag-aangkat ng asukal.

Ikinatwiran ni SRA board Roland Beltran sa kanyang pagbibitiw ang kanyang kalusugan. 

Sa kanyang sulat kay Executive Secretary Vic Rodriguez noong August 14, sinabi ni Beltran na ang kanyang pagbibitiw bilang millers’ representative sa  Sugar Regulatory Board ay walang kinikilingan sa anumang imbestigasyong may kinalaman sa Sugar importation order.

Si Beltran ay isa sa lumagda sa naturang order na pumapayag na makapag-import ang Pilipinas ng 300,000 metric tons ng asukal sa ikatlong quarter ng taon.

“In any event, let me interject at the outset that my vote therein was conditional ‘subject to compliance of the provisions of laws, rules and regulations, and the internal processes of SRA. The action is thus withdrawn and negated due to non-compliance of the conditions set forth therein,” paliwanag ni Beltran.

Una rito, nagbitiw din sa posisyon si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian na sinasabing lumagda rin sa naturang importation order.

Ayon sa mga samahan ng sugar farmers hindi kailangang mag-angkat ng asukal dahil kaya pa nilang punuan ang demand dahil mag-aanihan na ng tubo sa susunod na buwan.

SUGAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with