^

Bansa

Marcos, itinalaga si Panganiban bilang DA undersecretary

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Marcos, itinalaga si Panganiban bilang DA undersecretary
DOMINGO F. Panganiban (right) takes his oath on Aug. 12 as Agriculture undersecretary before President and Agriculture Secretary Ferdinand R. Marcos, Jr.
TWITTER/@BONGBONGMARCOS

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Domingo Panganiban bilang undersecretary ng Department of Agriculture.

Pormal na nanumpa si Panganiban sa kanyang bagong puwesto ni Marcos Jr. sa Palasyo ng Malacañang noong Biyernes, Agosto 12.

Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ni Marcos na isang karangalan ang makatrabaho niya si Panganiban.

“Isang karangalan ang makatrabaho ang ating mga dalubhasa sa pagtugon sa pangangailangan ng ating bayan lalo na sa sektor ng agrikultura,” ani Marcos.

Si Panganiban ay nagsilbi sa sektor ng agrikultura sa iba’t ibang kapasidad mula noong administrasyon ng yumaong pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Nakilala rin si Panganiban bilang tagapagtagu-yod ng Masagana 99 Rice Program. Ang Masagana 99 ay naghangad na pa­taasin ang produksyon ng bigas sa bansa.

Samantala, hinirang ni Marcos si Nelson Java-Celis bilang bagong Comelec commissioner.

Pinalitan ni Celis si Commissioner Aimee Torrefranca-Neri.

Si Celis ay nagtapos ng Bachelor of Science in Electronics at Communications Engineering sa Don Bosco Technical College at nagtapos ng kanyang Master at Doctor of Business Administration sa De La Salle University.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with