^

Bansa

28K bagong kaso ng COVID-19

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Pili-pinas ng 28,008 bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng isang linggo, mula Agosto 8 hanggang sa 14, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.

Batay sa National COVID-19 case bulletin na inilabas ng DOH nitong Lunes, mayroong average na 4,001 kaso na naitatala kada araw sa nakalipas na linggo.

Mas mataas ito ng 3% kumpara sa mga kasong naitala mula Agosto 1 hanggang Agosto 7.

Nasa 101 kaso ang nasa ‘severe at critical’ na kundisyon.  Nasa 229 ang bagong nadagdag sa mga nasawi kung saan 98 lamang dito ang nangyari mula Agosto 4 hanggang Agosto 14.

Sa healthcare utilization, nakapagtala ng 30.9% ‘non-ICU bed utilization’ kung saan 6,781 sa 21,968 na higaan ang okupado.  Nasa 28% naman ang ‘ICU bed utilization’ kung saan 719 sa 2,571 higaan ang okupado ng mga pasyente.

Nakapagtala na rin ng 92.33% ‘coverage ng target population’ ang ‘fully-vaccinated’ na.  Katumbas ito ng 72,107,000 bakunado makaraang madagdagan ng 208,369 na nagpabakuna noong nakalipas na linggo.

Nasa 17,015,413 naman ang nakapagpatu- rok ng unang booster shot makaraang madagdagan ng 412,316 nitong nakaraang linggo.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with