^

Bansa

19.99 milyong Pinoy, mahirap noong 2021

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 19.99 milyong Pinoy ang nag­sabing sila ay mahirap noong 2021.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang naturang bilang ay may pagtaas ng 18.1 percent kumpara sa 16.7 percent  o may 17.67 milyong Pinoy na nagsabing sila ay mahirap noong 2018.

“This translates to around 19.99 million Filipinos who lived below the poverty threshold of about P12,030 per month for a fami­ly of five,” ayon kay PSA Under­secretary Dennis Mapa.

Sinabi ni Mapa na ang National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng may pinaka mababang poverty incidence sa bansa o 3.5 percent, habang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang may pinaka mataas na poverty incidence na 37.2%.

 Anya sa kabuuan,10 rehiyon ang may mataas na poverty incidence noong 2021 kumpara noong 2018.

Ang  poverty incidence sa mga pamilya ay tumaas ng 13.2% noong 2021 mula sa 12.1% noong 2018.

Mataas din ang bilang ng mga pamilyang kulang sa pagkain sa bansa na pumalo sa 1.04 milyon noong 2021, mas mataas sa 840,000 noong 2018.

POVERTY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with