^

Bansa

SRA officials sa pag-angkat ng asukal, pinagbibitiw lahat

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbibitiw ni Se­nate President Juan Miguel Zubiri ang mga opisyal ng Sugar Regulatory ­Administration (SRA) na sangkot sa pagpirma sa illigal na importation order para sa may 300,000 me­trikong tolenada ng asukal.

Ayon kay Zubiri, kung mayroong delicadeza ang mga taga SRA ay dapat mag-resign na sila lalo at laman sila ng lahat ng balita dahil sa illegal Sugar order No. 4.

Ang panawagan ay ginawa ng Senador matapos sabihin ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nagbitiw si Undersecretary Leocadio Sebastian sa kanyang puwesto bilang undersecretary for operations at chief of staff ng Secretary of Agriculture, isang pwesto na hawak din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Paliwanag ni Cruz-Angeles, humingi ng paumanhin si Sebastian kay Marcos sa paglagda sa Sugar Order No. 4 nang walang pag-apruba ng Pangulo na siyang tumatayong kalihim ng DA, at chairman din ng Sugar Regulatory Board.

Bukod umano sa pagbibitiw, dapat pa rin sampahan sila ng kaso dahil ipinamahak ng mga opisyal ng SRA si Pangulong Marcos, kaya dapat silang turuan ng leksyon.

Isang kasinungalingan din umano ang sinasabi ng mga opisyal ng SRA na wala ng asukal, kaya ­hihilingin din umano ni Zubiri na imbestigahan ang tangkang pag-aangkat.

Matatandaan na sinabi ni Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista na kailangan ng Pilipinas na mag-import ng 300,000 metric tons ng asukal upang patatagin ang ­presyo ng mga bilihin sa merkado.

SRA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with