^

Bansa

PS-DBM pinabubuwag sa Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
PS-DBM pinabubuwag sa Senado
Google Street View image shows the exterior of the Department of Budget and Management central office in Manila.
Google Maps

MANILA, Philippines — Pabor si Senate Mino­rity Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na buwagin ang Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) na sangkot sa pagbili ng P2.4 bilyon na umano’y maanomalyang laptops noong 20221.

Sinabi ni Pimentel, na ang PS-DBM ay tagong departamento ng DBM at ang kanilang pinuno ay hindi dumaraan sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments (CA).

Kaya dapat umanong ikonsidera ng mga mambabatas na buwagin ito lalo pa at ang pondong ginagamit sa procurement dito ay mas malaki pa ang budget sa ibang departamento ng gobyerno.

Maliban pa sa nakatago ay nakahugas kamay din umano ang kalihim nito at ikinakaila ang tao niya na may kasalanan kahit nasa departamento niya ito.

Idinagdag pa ni Pimentel na dapat ay mayroong ahensiya ng gobyerno ang magpa-publish ng researched prices ng materials online para sa benepisyo ng lahat ng ahensiya na gustong bumili sa pamamagitan ng bidding process o iba pang uri ng procurement.

Nauna nang naghain ng resolusyon ang Senador para imbestigahan ng Blue Ribbon Committee ang pagbili ng Department of Educations (DepEd)  ng laptop na gagamitin ng mga guro sa implementasyon ng distance learning sa pamamagitan ng PS-DBM.

Ang PS-DBM ay sangkot din sa P8.6 bilyon pagbili ng overpriced face masks, face shields at PPEs mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

DBM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with